Buhay Pusa

(para kay M at M na hanggang panaginip ko lang kayang bigyan ng buhay na maginhawa)

 

Unang-una, paggising sa umaga, pagdilat ng mata at pagbukas ng diwa, ika’y lalapitan, yayapusin, kakapitan. Mananadyang maghalo ang amoy mo sa amoy ko at hindi hahayaang mawala hanggang sa aking pagbangon at pagbaba.

Pagkababa, maghahanda ng prutas at gatas bilang agahan, iaakyat ang agahan nang ika’y masiyahan. Pagkakain ay mag-iimis saglit nang hindi dumugin ng langgam ang higaan, at pagka-imis ay muli kang hahagkan. Wala tayong ibang gagawin kundi maglambingan hanggang tanghalian.

Sa tanghalian, paiiralin ang katamaran at hahayaang lumipas ang araw sa tila walang katuturang bagay na paghilata at pag-unat sa higaan. Palilipasin ang araw na walang inaapurang gampan at tila nagpalamon lamang sa kawalan.

Kinagabihan ay magtutulungan maghanda ng payak na hapunan ngunit hindi wawaglit sa handaan ang lambingan at tuksuhan. Pagkukuwentuhan ang matamis at mapait sa nakaraan at lahat ng iyon ay masayang pagtatawanan.

Paglalim ng gabi ay mamasdan ang mga tala hanggang sa maabutan ng antok at makatulog sa ilalim ng makislap na kalangitan.

Kinabukasan, uulit muli sa umpisa.

Magsisimulang muli sa unang-una.

Advertisements

Sing and sign your own thoughts here.

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s