Puyat

Gising na gising pa ako. Paano ba matulog kung tumatakbo ka sa isip ko? Hindi na ba ako makakawala sa tila sumpang ipinataw mo? Halatang-halata naman na pinaglalaruan mo lang ako ngunit bakit parang sabik na sabik pa rin ako sa’yo?

Hindi pa ba sapat ang pait na sinapit mo’t kailangan mo ngayong gumanti sa walang kamalay-malay tulad ko? Ganoon na lamang ba ka-sidhi and sakit ng iyong nadarama na kailangan itong ibahagi sa akin sa dahan-dahang rumarahas na paraan?

Hindi ko maintindihan ang pakay mo. Hindi ko nakikita ang patutunguhan nito. Utang na loob, hindi na ako ang tipong nakikipaglaro.  Ayoko ng ganito. Ayokong nagkakaganito. Tigilan mo ako.

Puso ko, tigilan mo ako.

Advertisements

Sing and sign your own thoughts here.

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s