Habulan

Hindi ko maintindihan ang larong habulan. Sa lahat na lang ng pelikula o teleserye na napanood ko, may habulan. Hindi ko maintindihan kung paano naging kaaya-aya ang biglaang takbuhan na wala namang katuturan.

Hindi ba’t dapat sa ligawan nangyayari ang habulan?

Yo’ng tipong hahabulin mo ang schedule niya para lang makita mo siya. Yo’ng tatakbuhin mo ang kahabaan ng EDSA, masundo mo lang siya. Yo’ng hihintayin mong magka-tiyempuhan kayo na pareho kayong online para lang makausap mo siya.

O kaya’y sa mga ‘di inaasahang hiwalayan.

Yo’ng bumitaw na siya ngunit nakakapit ka pa, kaya hahanapin mo siya kahit sa’n man siya magpunta. Hahanap ka ng paraan magkausap lang kayo o mapatawad ka lang niya.

Ang sinasabi ko lang, hindi ko maintindihan kung para saan ang habulan. ‘Yong aktwal na paghabol na dulot ay paghangos o pagkapagod. Dahil nga iba ang paghabol na alam ko.

Kung sabagay, nakakapagod din naman yo’ng alam kong habulan. Kung tutuusin do’n mas maraming nasasaktan. Do’n mayroong nagaganap na sisihan.

Para saan nga ba ang habulan?

Advertisements

Sing and sign your own thoughts here.

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s